Lalaki patay sa aksidente sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 06:17 PM

Photo courtesy of Villaba Police

LEYTE - Patay ang isang lalaki na nagmamaneho ng motorsiklo matapos na mabangga ng isang sasakyan Martes ng umaga sa Sitio Mahanglad, Barangay Tumamak, Villaba, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Gerald Baz, isang mekaniko.

Sugatan rin ang backrider na nakilalang si Louie Esmero at ang driver ng nakabanggang sasakyan na nakilalang na estudyanteng si Kristian Michela Medalla, 21 taong gulang.

Nakaligtas naman ang isang pari na sakay din sa nasabing kotse.

Agad namatay ang driver ng motorsiklo habang ginagamot sa hospital ang iba pang sugatan.

Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkasalubong ang motorsiklo at ang kotse sa nasabing lugar na siyang naging rason sa aksidente.

Patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.