ALAMIN: Listahan ng holidays sa 2018

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 11:58 AM

Inilabas na ng Malacañang ang listahan ng regular holidays at special (non-working) holidays para sa taong 2018. 

Base sa Proclamation No. 269, ang mga sumusunod ang regular holidays at special (non-working) holidays ngayong 2018: 

REGULAR HOLIDAYS:
Bagong Taon - Enero 1 (Lunes)
Huwebes Santo - Marso 29 
Biyernes Santo - Marso 30
Araw ng Kagitingan - Abril 9 (Lunes)
Araw ng Manggagawa - Mayo 1 (Martes)
Araw ng Kasarinlan/ Kalayaan - Hunyo 12 (Martes)
Araw ng mga Bayani - Agosto 27 (Huling Lunes ng Agosto)
Araw ni Bonifacio - Nobyembre 30 (Biyernes)
Pasko - Disyembre 25 (Martes)
Araw ni Rizal - Disyembre 30 (Linggo)

SPECIAL (NON-WORKING) HOLIDAYS:
Chinese New Year - Pebrero 16 (Biyernes)
Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution - Pebrero 25 (Linggo)
Sabado de Gloria - Marso 31
Ninoy Aquino Day - Agosto 21 (Martes)
All Saints' Day - Nobyembre 1 (Huwebes)
Huling araw ng taon - Disyembre 31 (Lunes)

KARAGDAGANG SPECIAL (NON-WORKING) DAYS
All Souls' Day- Nobyembre 2 (Biyernes)
Bisperas ng Pasko- Disyembre 24 (Lunes)

Ang mga proklamasyon naman na magdedeklara sa obserbasyon ng Eid al-Fitr at Eid al-Adha bilang national holidays ay ilalabas sa sandaling matukoy na ang petsa ng mga Islamic holidays na ito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.