TINGNAN: Pump boat lumubog dahil sa sama ng panahon

John Dx Lapid, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2016 05:09 PM | Updated as of Jul 19 2016 05:58 PM

MB Nathan Express. Photo by Marc Berame, Lapu-Lapu City Local Disaster Office

CEBU - Isang pump boat na patungo sana nang Olango Island sa Lapu-Lapu City ang lumubog Martes ng hapon dahil sa sama nang panahon.

Labing isang pasahero ang nakapagtamo nang sugat sa iba't ibang bahagi nang katawan matapos ihampas nang alon sa pantalan ang pump boat na MB Nathan Express.

Wala namang naiulat na nasawi sa paglubog ng naturang pumpboat.

Pump boat sinks in waters off Lapu-Lapu. Video by June Berongan, DYAB Cebu