PANOORIN: 'Tatay Digong' puppet show kontra droga

Maan Macapagal, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2016 11:47 AM

Maglilibot ang mga puppet na sina Tatay Digong at Bato sa mga eskuwelahan para magbigay ng pangaral sa mga estudyante sa elementarya at sekondarya bilang bahagi ng anti drug campaign.

Hawak ng mga ventriloquist ang mga puppet at mga pulis din ang aaktong drug user at drug pushers.

Kasama sa mga characters sina President Digong, General dela Rosa, PO2 Malinis, PO2 Matapat, Boy Bangag at Kid Miguel.

Sa video na nakalagay sa Facebook page ng Philippine National Police - Police Community Relations Group, sinabi ng puppet na si Tatay Digong na may roadshow na gagawin ang PNP PCRG sa mga eskwelahan.

"Magbagong buhay na tayo! My God, I hate drugs!" sabi ng puppet.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.