PANOORIN: MMDA nagsagawa ng clearing ops, 16 sasakyan hinila

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2016 10:35 AM

MANILA - Nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority sa paligid ng Chinese General Hospital sa Maynila kaninang umaga.

Unang sinuyod ng sidewalk clearing and operations group ang kahabaan ng Aurora Boulevard kung saan nakabalandra ang mga illegally parked vehicles.

Binigyan muna ng limang minutong grace period ang mga driver para alisin ang kanilang mga sasakyan, matapos nito ay hinila na ito ng mga taga MMDA. Wala namang nagawa kundi sumunod ang mga may ari, pero di maiwasang may mainis.

Tinanggal din ang iba pang obstruction sa daan. Ginawa ang operasyon para lumuwag ang mga kalsada lalo pa't tila mas lumala pa ang sitwasyon ng traffic.

Umaabot na sa 16 ang nahihilang sasakyan ng MMDA, na dinala sa impounding area sa Pasig. Bukod sa multa, matitikitan din ang mga may ari ng sasakyan, dahil sa obstruction at illegal parking. Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.