PatrolPH

Motorcycle rider patay, 3 sugatan sa aksidente sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2021 11:48 AM | Updated as of Jul 18 2021 12:40 PM

Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang 3 angkas niya matapos maaksidente sa Banate, Iloilo nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na si Stephen Bernales, 24, at ang 3 menor de edad na kasama nito galing Passi City.

Nang makarating sa may Barangay Manugapaya sa Banate, nawalan umano ng kontrol si Bernales at bumangga sila sa poste sa tulay.

Sa lakas ng pagbangga ay tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo at nahulog sa ilog.

Umabot ng 20 minuto bago nakuha ang katawan ng rider, ayon sa mga awtoridad.

Agad dinala sa ospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival si Bernales matapos magtamo ng malubhang sugat.

Ligtas at nakalabas na ng ospital ang 3 menor de edad.

Nabatid ng mga awtoridad na walang suot na helmet ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.