Lalaking may dala umanong P640,000 halaga ng hinihinalang shabu, huli sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2021 09:39 AM

Lalaking may dala umanong P640,000 halaga ng hinihinalang shabu, huli sa Davao City 1
Huli ang isang lalaking may dala umanong hinihinalang shabu na may halagang P640,000 nitong ika-17 ng Hulyo 2021 sa Davao City. Retrato mula sa Task Force Davao

Isang 30-anyos na lalaki ang nahuli nitong Sabado sa Davao City matapos makitaang may dalang hinihinalang shabu habang papasok sa lungsod, sabi ni awtoridad.

Nadakip ang lalaki sa Task Force Davao checkpoint sa Barangay Lasang Bunawan bandang alas 5:30 ng umaga.

May 40 gramo ng hinihinilang shabu ang nakuha umano sa kaniya na may halagang P640,000.

May nakita rin umanong shabu paraphernalia.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Ulat ni Cheche Diabordo

MULA SA ARCHIVES

Watch more on iWantTFC