Trabaho para sa OFWs na nawalan ng trabaho alok sa virtual, physical job fair

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2020 08:23 PM

MAYNILA - Hinahanda na ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang libo-libong job openings para sa mga overseas Filipino worker na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bisa ng isang job fair.

Magkakaroon ng halong virtual at physical job fair ang PEZA ngayong buwan, kung saan karamihan ng mga opening ay galing sa mga business processing outsourcing company na rehistrado sa PEZA.

Nakakalap na ng 78,000 job openings ang PEZA noong nakaraang linggo at sinisikap nilang paabutin ito ng 100,000, ayon kay PEZA Director-General Charito Plaza.

Mga trabahong alok sa job fair

  • Administrative Staff
  • Accountants
  • Bookkeepers
  • Camera Technician
  • Chemists
  • Clerks
  • Company Nurses at Doctor
  • Computer Programmers and Technicians
  • Data Engineer
  • Electricians
  • Machinists
  • Mold Assembler
  • Plumbers
  • Pollution Control Officers
  • Production Operator
  • Quality Assurance
  • Software Developers
  • Welders

Ayon pa sa PEZA, mas mataas sa minimum wage ang pasahod ng mga PEZA locator, may mga benepisyo pa tulad ng libreng pabahay, scholarship, at mga training abroad.

Ilalabas sa website nila ang mga detalye kung paano makakalahok sa kanilang job fair.

Ilulunsad ng PEZA ang job fair sa Hulyo 29.

-- Ulat ni Bruce Rodriguez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.