Sanggol gumaling sa COVID-19 sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2020 03:43 AM

Isang 2-buwang-gulang na sanggol sa bayan ng Moises Padilla, Negros Occidental ang gumaling sa COVID-19 nitong Biyernes.

Ang sanggol ang pinakabatang nagpositibo sa coronavirus sa Western Visayas. Pinauwi siya at ang kaniyang ina matapos magnegatibo ito sa swab test sa provincial healing center sa EB Magalona.

Isang 7-anyos na batang lalaki naman mula sa Sagay City, Negros Occidental ang kasama sa mga bagong coronavirus patients na naitala ng lalawigan.

Ayon sa local inter-agency task force ng Sagay, anak siya ng isang frontliner. Namasyal umano ang mag-ina sa Bacolod at nang bumalik sa Sagay, isinailalim sila pareho sa COVID-19 tests.

Miyerkoles na makumpirma na may COVID-19 ang bata pero ang ina ay negatibo sa sakit.

Isinailalim sila sa 14-day quarantine sa bahay nila.