P3.4-M halaga ng shabu nasabat sa Cotabato province; suspek napatay

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2020 12:02 AM

Kuha ng PDEA-BARMM

MIDSAYAP, Cotabato- Aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Brgy. Bual Sur sa bayan na ito Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Juvenal Azurin, direktor ng PDEA-Bangsamoro, matagal na nilang minamanmanan ang isang grupong sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa Midsayap.

Sa kanilang buy-bust operation laban sa grupo, ang isa sa mga ito na kinilalang si Mohidon Mahmod ay nagtangka umanong magpaputok laban sa mga operatiba.

Napatay si Mahmod at nahuli din ang kaniyang dalawang kasama.

Nasa 500 gramo ang kontrabandong nakumpiska ng mga awtoridad. Isang baril din ang narekober mula sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.