6 sasakyan inararo, inatrasan ng SUV sa Dagupan

Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2020 02:59 AM | Updated as of Jul 18 2020 06:18 AM

Isang SUV ang nahuling nang-araro at nambangga ng 6 na iba pang sasakyan sa tabi ng isang pribadong ospital sa Dagupan City nitong Huwebes.

Sa video na kuha ni Harbe Frugalidad, kita ang maitim na usok habang inaatrasan ng Mitsubishi Montero ang isa pang sasakyan. Nadamay ang katabing kotse, na pumailalim sa isang elf truck.

Umabante din ito at bumangga ulit sa isang nakaparandang tricycle.

 

Inaalam ng pulisya kung human error ang nangyari.

Ligtas naman ang driver ng SUV at walang ibang nasaktan sa nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.