4 sugatan sa banggaan ng PUV, ambulansya sa Bacolod

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2020 12:54 AM

Apat ang sugatan matapos magbanggaan ang isang PUV at ambulansya sa Bacolod City nitong Biyernes. Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Apat ang nasugatan matapos magbanggaan ang isang PUV at ambulansya sa kanto ng Lacson-Hernaez sa Bacolod City Biyernes ng gabi.

Kabilang sa mga sugatan ay isang nurse, isang driver at ang nagbabantay sa isang pasyente na dadalhin sana sa isang ospital sa lungsod.

Ayon sa mga kamag-anak ng pasyente, galing sila sa bayan ng Toboso dahil nabangga ng isang sasakyan ang kanilang kamag anak ng bigla na lamang silang tinawagan na muling na aksidente ito matapos mabangga din ang sinasakyang ambulansya.

Ayon naman sa driver ng PUV, binilisan niya ang takbo ng makitang naka-go pa ang signal ng traffic lights at hindi niya namalayang may ambulansya palang tumatawid at matulin din ang pagtakbo. 

Agad namang dinala sa ospital ang apat na sugatan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.