#WalangPasok: Klase sa QC suspendido ngayong Lunes dahil sa SONA

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 06:35 AM | Updated as of Jul 18 2019 06:49 AM

MAYNILA—Iniutos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanselasyon ng mga klase sa lungsod ngayong Lunes kaugnay sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Quezon City Public Affairs Department, walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan ng lungsod sa Hulyo 22.