Unexploded grenade, natagpuan sa irrigation canal sa South Cotabato

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 08:16 PM

TANTANGAN, South Cotabato—Natagpuan sa irrigation canal ng mga batang naglalaro ang isang granada sa bayan ng Tantangan, Martes ng hapon.

Sa pagsusuri ng pulisya, isang MK2 grenade ang nakita ng mga bata na nasa halos 4 na dekada na ang tanda.

Pinaniniwalaan ng pulisya na naging kampo noong panahon ng giyera ang bayan kaya posibleng may mga nakatago pang pampasabog sa paligid.

Nasa pangangalaga na ng South Cotabato Explosives Ordnance Division team ang granada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.