Motoristang nagsusuot ng kapote, nakaladkad ng kotse sa Makati

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 11:48 AM

MAYNILA - Patay ang isang motorcycle rider matapos mabundol at makaladkad ng isang kotse sa Makati City nitong Huwebes.

Nakahinto ang biktimang si Romeo Lupida, 23, dahil kinukuha nito ang kaniyang kapote sa likod ng motorsiklo nang biglang sumulpot ang kotse, ayon sa pulisya.

Nakaladkad anila nang may 30 metro ang biktima bago tumakas ang driver ng kotseng hindi naplakahan ninuman.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa Makati Medical Center.

Inaalam ng mga imbestigador kung mayroong surveillance footage na nakahagip sa driver ng kotse na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to properties.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.