Mag-ina nakuhanan ng P1.2-milyong halaga ng 'shabu' sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 05:31 AM

NEGROS OCCIDENTAL—Arestado ang mag-ina sa buy-bust operation sa Barangay Banago, Bacolod City, Negros Occidental Miyerkoles ng hapon.

Nasamsam sa mga suspek ang 24 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P1.2 milyon.

Ayon kay Police Lt. Col. Leonardo Borromeo ng Bacolod City police, target ng operasyon ang nanay na itinuturing na high-value target at nakulong na rin umano ito dahil sa droga.

Nagkaroon pa umano ng habulan hanggang sa mabawi ng mga pulis sa mga suspek ang droga.

Itinanggi ng mag-ina sa kanila ang droga at sinabing hindi nila bahay ang pinasok ng mga pulis.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.