Lalaki, balik-kulungan dahil sa droga sa Iligan

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 08:11 PM

Arestado ang isang lalaki matapos na mahuli sa buy-bust operation nitong Martes sa Barangay Santa Filomena, Iligan City.

Nakuha mula kay Diamel Ian Gaga ang tinatayang 98 gramo ng hinihinalang shabu.

Nahuli rin si Adrian Carlo Libradilla na naaktuhang gumagamit ng droga sa lugar. Nakuha sa kaniya ang mga drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, high value target si Gaga na dati nang nahuli sa pagbebenta rin umano ng droga noong 2013. Limang taon itong nakulong habang nililitis pero na-dismiss din ang kaso nitong nakaraang taon.

Wala umanong ibang pagkakakitaan ang suspek kaya’t bumalik siya sa dating gawi.

Sumuko na rin umano dati si Gaga nang magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng war on drugs pero hindi ito kwalipikado sa rehabilitasyon para sa mga pusher dahil isa siya umanong high value target.
 
Kinasuhan ang suspek ng paglabag ng Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.