Sampal at kurot sa bibig ang inabot ng batang si alyas "Annabel" sa kamay ng kaniyang guro. Ayon sa Department of Education, hirap magbasa ang estudyante kaya nanggigil ang titser. Screengrab
Viral ngayon sa social media ang cellphone video ng pangungurot at pananampal ng isang guro sa kaniyang estudyanteng babae sa Lahug Elementary School sa Cebu City.
Nitong Huwebes ay may mahigit 30,000 shares na sa Facebook ang video kung saan huli sa aktong sinampal at kinurot sa bibig ng titser ang Grade 5 student na si alyas "Annabel."
In-upload ang video noong Hulyo 11.
Kuwento ni Atty. Bienvenido Jaban, legal officer ng Department of Education (DepEd) sa Cebu City, nahirapan si Annabel magbasa sa kanilang remedial class kaya umano napuno ang titser at nasaktan ang bata.
Pansamantalang inilipat na sa ibang section ang nasaktang mag-aaral.
Ayon naman sa tiyuhin ni Annabel, nais niyang mapanagot ang guro upang di na ito maulit pa sa ibang estudyante.
"Gusto ko sanang maleksiyunan 'yung guro na hindi na niya dapat gawin sa ibang bata ang ginawa niya sa pamangkin ko," sabi ng tito ng bata.
Ayon sa DepEd, posibleng maharap sa reklamong simple o grave misconduct ang guro.
"It could be considered as corporal punishment. So she may be facing grave misconduct or simple misconduct in accordance sa DepEd [rules] regarding child abuse," ani Jaban.
Patuloy na iniimbestigahan ng kagawaran ang insidente.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, viral, Cebu City, rehiyon, regional news, social media, BMPM, Bayan Mo Ipatrol Mo, trending, DepEd, Department of Education, child abuse, BMPM Reports, Bayan Patroller, video