Guro arestado sa buy-bust sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 05:33 AM

ILOILO CITY—Timbog ang isang guro sa buy-bust operation sa Barangay Santa Cruz, Arevalo, Iloilo City Miyerkoles ng gabi.

Nagtuturo sa isang pampublikong paaralan sa elementarya sa Mandurriao district ang 45 anyos na babaeng suspek.

Hinuli ng mga pulis ang guro matapos siyang mabilhan ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P5,000. Narekober rin sa kaniya ang 10 sachet pa ng umano'y shabu.

Depensa ng guro, planted ang mga nakumpiskang droga, bagay na itinanggi ng mga operatiba.

Ayon sa pulisya, nadakip noong Marso ang live-in partner ng guro na itinuturing na isang drug personality.

Aminado rin ang guro na palagi niyang binibisita ang live-in partner sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).—Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.