Dating pulis, nahulihan ng droga sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 01:21 AM

PAMPANGA - Isang dating pulis at ang kasama nito ang nahulihan ng hinihinalang shabu sa Angeles City nitong Miyerkoles.

Kinilala ng mga awtoridad ang dating pulis na si Sylvestre "Bestre" de Guzman, 33-anyos, at ang kasama nito na si Rodrigo de Guzman, 56-anyos.

Ayon sa pulisya, nahulihan ng 12 sachet ng ilegal na droga ang mga suspek sa isang buybust operation sa Barangay Pulung Maragul pasado alas 2:00 ng madaling araw.

Hindi pa alam ng pulis ang relasyon ng mga suspek bilang magka-apelyido ang mga ito.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.