4 pulis patay sa pananambang sa Negros Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 10:51 PM | Updated as of Jul 19 2019 02:28 AM

(UPDATE) Apat na pulis ang patay matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People's Army (NPA) sa Ayungon, Negros Oriental nitong Huwebes.

Kinilala ang mga biktima na sina PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon, at Pat. Marquino de Leon.

Ayon sa mga awtoridad, nakasay sa motorskilo at maghahain sana ng warrant of arrest ang mga pulis nang biglang pinagbabaril ang mga ito ng isang armadong grupo.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga pulis at ito naging sanhi ng kanilang pagkasawi.

Ayon kay PCol. Raul Tacaca, Hepe ng Negros Oriental Police, nasa 20 miyembro ng NPA ang namataan sa pinangyarihan ng insidente.

Sinabi ni Tacaca na puno ng mga miyembro ng NPA ang lugar.

Tinutugis na na pulisya at militar ang mga nakatakas na armadong grupo.

- Ulat nina Annie Perez, Arra Perez at Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.