Storage room sa Pasay City, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 03:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Jervis Manahan, ABS-CBN News

MAYNILA - Sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan, nasunog ang isang storage room ng mga damit sa Park Avenue sa Pasay City Martes ng gabi.

Ayon sa mga nakatira malapit sa lugar, sumiklab ang sunog pasado alas-11 ng gabi.

Umabot ito sa unang alarma at idineklarang fire out alas-12:44 Miyerkoles ng madaling-araw.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi at kabuuang halaga ng pinsala sa sunog. - ulat ni Jervis Manahan at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.