Sara Duterte: Pederalismo, posibleng tuloy kahit may halalan sa 2019

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 12:19 AM

DAVAO CITY - Nagpahayag ng suporta si Davao City Mayor Sara Duterte sa pederalismo at sinabing maaaring matuloy ito kahit mayroong midterm election sa 2019.

“Sa tingin ko pwede siguro magpatuloy ang discussions about federalism despite meron tayong midterm elections next year pero that is my opinion," aniya.

"Hindi natin alam ang iniisip ng ating Office of the President and of course sa ating Congress both sa House of Representatives and sa Senate.”

Positibo rin si Davao City 3rd District Congressman Alberto Ungab na matutuloy ang midterm elections sa susunod na taon kahit pa man iminumungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipagpaliban ito para matutukan ang transition government.

“I doubt. The election is already scheduled. I really don't know what’s the agenda yet because we are going to convene next week. That’s the time we’re going to set the agenda for the last year of the 17th Congress,” aniya.

Kinumpirma naman ni Sara Duterte na dadalo siya at ang kanilang pamilya sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong darating na Lunes bilang pagbibigay suporta sa ama at administrasyon nito.

Magtitipon ang House of Representatives at Senado para sa ikatlo at huling sesyon ng 17th Congress sa Lunes, bago ang SONA ng Pangulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.