P1.7 milyong halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Cotabato

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 07:34 PM

Nasabat ang 250 gramo ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaki sa Cotabato City, Miyerkoles. ABS-CBN News

COTABATO CITY - Nasabat ang nasa P1.7 milyong halaga ng droga mula sa isang lalaki sa Barangay Poblacion 5 sa lungsod nitong Miyerkoles ng hapon.

Narekober ang apat na pakete ng ilegal na droga na may timbang na 250 gramo.

Binalot ng t-shirt ang hinihinalang shabu at isinilid sa isang cellophane, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon sa inarestong lalaki, wala umano siyang alam kaugnay sa ilegal na droga.

Hindi rin umano siya nagbebenta ng shabu at napag-utusan lang na ihatid ang cellophane.

Sa ngayon nakakulong na sa detention facility ng PDEA-ARMM ang lalaki.

Nakatakda itong sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.