'Most wanted' sa Ilocos Sur, arestado sa Caloocan

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 07:38 PM

MAYNILA - Nasakote sa Caloocan ang "most wanted personality" sa Ilocos Sur nitong Miyerkoles.

Sa bisa ng isang arrest warrant, kalaboso ang 72-anyos na si Renato Tengsico, sinasabing lider ng grupong Tengsico-Cabreros Drug Group na nagtutulak ng droga sa ikalawang distrito ng Ilocos Sur. 

Nagsilbi rin si Tengsico bilang barangay chairman sa bayan ng Santiago.

Matapos ang ilang taong pagtatago, natunton ng mga operatiba ang kinaroroonan ni Tengsico sa isang apartment sa Barangay 179, Caloocan. 

Si Tengsico ay nahatulan ng Narvacan Regional Trial Court ng panghabang-buhay na pagkabilanggo kaugnay ng pagkakasangkot nito sa ilegal na droga at high value target watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.