Lalaki kritikal sa aksidente sa Zamboanga City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 11:18 AM

Wasak ang harapang bahagi ng kotse ng biktima matapos na sumalpok sa arkong semento sa boundary ng Barangay Sta. Maria at Pasonanca sa Zamboanga City. Chrisel Almonia, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY - Kritikal ang kondisyon ng isang lalaki matapos maaksidente ang minamanehong kotse sa boundary ng Barangay Sta. Maria at Pasonanca, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima, matulin ang pagpapatakbo nito ng kaniyang sasakyan kaya nabundol ito sa arko na gawa sa semento.

Dahil sa impact, tumilapon palabas ng kotse ang biktima at nagtamo ng sugat sa ulo.

Agad dinala sa ospital ang biktima.

Nasira naman ang harapang bahagi ng kotse ng biktima.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, maaaring nakikipagkarera ang biktima sa isa pang kotse sa mga oras na iyon.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang totoong dahilan ng aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.