Bahay sa harap ng Davao fire station, nasunog

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 10:53 AM

Agad naapula ang sunog na sumiklab sa ikalawang palapag ng isang bahay sa tapat lamang ng fire station sa Rasay, Toril sa Davao City. Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Rasay, Toril, Martes ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa kahoy ang mga materyales ng natupok na bahay.

Agad na rumesponde ang mga bumbero dahil kaharap lamang ng nasusunog na bahay ang fire station ng lugar.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, electrical short circuit ang dahilan ng sunog.

Nangako naman ang barangay na mag-aambag ito ng tulong sa nasunugang pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.