Babae itinago ang shabu sa schoolbag ng bata

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 09:40 AM

MAYNILA - Arestado ang isang 52-anyos na ginang na hinihinalang nagtutulak ng ilegal na droga sa Sucat, Muntinlupa ngayong Miyerkoles.

Bukod kay Cristina Lupeña, inaresto din ng Philippine Drug Enforcement Agency sa search warrant operation ang 6 pang lalaki na umano'y bumibili ng ilegal na droga sa ginang.

May 5 hanggang 7 bata namang kamag-anak ang suspek na nasagip at dinala sa Department of Social Welfare and Development. Ginagamit umano ng suspek ang ito bilang tagatago ng droga.

Itinanggi ni Lupeña na nagbebenta siya ng bawal na gamot, pero aminado siyang gumagamit nito dahil siya ay labandera at kailangan umano niya ng pampagising.

Narekober mula sa kanya ang mga hinihinalang shabu at marijuana sa loob ng pambatang school bag. Taya ng PDEA, nasa P200,000 ang halaga ng nakumpiskang droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.