7 patay sa pagtumba ng jeep sa Zamboanga del Sur

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 04:36 PM | Updated as of Jul 18 2018 08:02 PM

Photo courtesy of Zoren Paderanga, BMPM

PAGADIAN CITY (UPDATE) - Pito ang patay habang 64 naman ang sugatan nang sumemplang ang isang pampasaherong jeep sa Barangay Dao sa lungsod nitong Miyerkoles.

Ayon kay Supt. Alvin Saguban, nawalan ng preno ang jeep.

Overloaded umano ang jeep ng mga pasahero na galing Barangay Cogonan.

Papunta sa Pagadian ang mga pasahero upang mag-withdraw ng kanilang cash grant sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. 

Dalawang nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada ang tinamaan ng sumemplang na jeep.

Agad dinala sa Zamboanga del Sur Medical Center ang mga biktima. --May ulat ni PJ dela Pena, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.