4 sugatan sa aksidente sa Davao

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 03:07 PM | Updated as of Jul 18 2018 03:32 PM

Wasak ang harapang bahagi ng truck matapos na mabangga sa sinusundang truck sa Buhanging Diversion Road sa Davao City. Sugatan ang driver nito at tatlo pa niyang kasama sa truck. Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Basag ang windshield at wasak ang harapang bahagi ng isang 6-wheeler truck matapos na mabangga sa sinusundang truck sa Buhanging Diversion Road, Martes ng hapon.

Naipit ang driver na si Mark Joseph Payot at nagtamo naman ng minor injuries ang tatlo niyang pasahero.

Ayon sa isang sakay ng truck na si Joey Feliciano, bigla umanong nag-preno ang sinusundan nilang truck at hindi agad kumagat ang brake ng kanilang sasakyan kaya nabangga sila.

Base naman sa imbestigasyon ng Traffic Police, mabilis ang patakbo ng sasakyan kaya nahirapan itong mag-preno at naging malakas ang impact.

Papunta sana ng Sasa ang truck para mag-deliver ng kargang saging.

Paalala ng awtoridad sa mga motorista na magdahan-dahan lang sa pagmamaneho lalo na sa mga kargadong truck at panatilihin ang distansya sa sinusundang sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.