Lalaki, tadtad ng tama ng bala sa Navotas City

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 02:10 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa Barangay NBBS, Navotas City.

Kinilala ang biktima na si Jerry Aribe, 34 anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng Navotas City police, tadtad ng tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Ayon sa mga pulis, tulak umano ng iligal na droga ang biktima.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaslang. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.