Assistant prosecutor, patay sa pamamaril sa Taytay

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 01:13 AM

Dead-on-the-spot ang isang assistant prosecutor ng probinsiya ng Rizal sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Barangay San Isidro, Taytay, Rizal.

Ang biktima ay kinilalang si Maria Ronatay na binaril sa loob ng kanyang sasakyan sa Ortigas Extension Road, Martes bandang 5:30 ng hapon.

Ayon sa inisyal imbestigasyon ng Rizal PNP, habang minamaneho ng biktima ang kanyang Honda CRV ay nilapitan ito ng dalawang salarin na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril.

Kasalukuyan pang pinoproseso ang request para sa kuha ng CCTV at inaalam pa din ang motibo sa pamamaril. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.