PANOORIN: Kalabaw nagwala sa pista, 4 sugatan

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2016 10:47 AM


Video by Mindanaoan Broadcasting Channel

OZAMIZ CITY - Sugatan ang apat na tao nang magwala ang isang kalabaw habang ipinagdiriwang ang Subanen Festival para sa Kapistahan ng Birhen sa Cotta sa Ozamiz City noong Sabado.

Walang malay na naisugod sa ospital si Escolastica Bejec, 63, nang masuwag ng kalabaw.

Nagtamo rin ng minor injury ang tatlong bata na sina Bert Anthony Biaco, 14; Krislee Maghanoy, 4; at Lovely Jane Labadesos, 15, matapos tamaan ng mga nagtatakbuhang tao.

Ginamit ng isang street dancing contingent bilang props sa kanilang showdown ang kalabaw nang bigla itong magwala sabay sa paghampas ng drums.

Ayon kay Police Chief Inspector Richard Catipay, kinailangan nilang barilin ang kalabaw dahil tinutumbok nito ang mag-ina na noo'y nanood.

Nakauwi na ang dalawang pasyente na sila Maghanoy at Labadesos.