Lalaking natutulog sa loob ng bahay, pinagbabaril

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2016 09:06 AM | Updated as of Jul 18 2016 12:48 PM

MANILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Batasan Hillis, Quezon City Linggo ng gabi.

Nilagyan din ang biktima ng karatula na may nakasulat na "Drug adik ako, salot sa lipunan."

Ibinahagi naman ng mga awtoridad na walang record ng paggamit ng droga ang napaslang na lalaki.

Posible anyang inilagay sa crime scene ang karatula para ilihis ang imbestigasyon.

May kasamang anak sa kwarto ang biktima, pero hindi nito nakita ang pangyayari.

Napag-alaman ding bago ang pagpatay, nag-amok pa ang biktima na noo'y armado ng itak. Nasaktan niya ang mga anak.

Madalas umano itong nangyayari kapag nalalasing ang lalaki.

Dagdag ng mga awtoridad, liblib ang lugar at hindi kaagad makakatakas ang salarin dahil sa kipot ng mga eskinita.

Posible umanong taga-roon din ang pumaslang.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino ang nasa likod ng pagpaslang. -- Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.