Nagpositibo sa COVID-19 si Ormoc City Mayor Richard Gomez.
Kinumpirma ito ng alkalde sa pamamagitan ng mensahe sa Viber.
"I tested positive for Covid. It could be my exposure from multiple people because of work I do as mayor. But I will be ok," sabi ni Gomez.
"I will need a lot of rest and will have to be in isolation until I’m better. Symptoms are mild and manageable and I will go back to work as soon as doctors will give the clearance.
"I ask everyone to continue to be vigilant and safe."
Ayon sa alkalde, maaaring nakuha niya ito sa trabaho kung saan iba't ibang tao ang nakakasalamuha niya.
Ayon pa sa alkalde, maayos naman ang lagay nito at mild symptoms lang ang nararamdaman.
Naka-isolate na rin ang alkalde.
Ang asawa niyang si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez at anak na si Juliana ay negatibo sa Covid-19.
"They’re negative and in isolation," dagdag ni mayor.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
covid-19, coronavirus, Richard Gomez, Ormoc City, Regions, Tagalog news, TV Patrol