PatrolPH

Lolong sakay ng kalabaw, patay sa pamamaril sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2021 12:07 AM

Patay ang isang 76-anyos na lolo matapos siyang pagbabarilin sa bayan ng Maayon, Capiz, Biyernes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Maayon PNP, pauwi ang biktima na si Percito Tolentino sakay ng kaniyang kalabaw nang harangin siya ng salarin sa Brgy. Balighot at pinagbabaril ng apat na beses.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero namatay ito makalipas ang ilang oras habang ginagamot.

Mabilis na tumakas ang salarin matapos gawin ang krimen.

Nakuha sa lugar ang isang basyo ng bala na hinihinalang nanggaling sa isang .45 caliber pistol.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa motibo sa krimen at ang kanilang pagtugis sa salarin.

—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.