PatrolPH

Drug den sa Davao del Norte sinalakay; 6 timbog

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2021 03:19 AM

Drug den sa Davao del Norte sinalakay; 6 timbog 1
Kuha ng PDEA XI

Naaresto ng mga awtoridad ang 6 na suspek sa isang drug den raid sa Tagum City, Davao del Norte, Huwebes ng gabi.

Ayon sa PDEA, target nila sa buy-bust operation sina Ace Robert Chio at Corazon Samillano na nagpapatakbo umano ng drug den sa Brgy. Madaum.

Pagdating sa lugar, nakatunog umano si Chio kaya tumakas, pero nahuli naman si Samillano at limang tao na inabutan sa bahay.

Dagdag ng PDEA, mga bisita umano sa drug den sina Michael Albastro, Vincent Albastro, Angelito Alcaide, Angelo Alcaide, at Reynante Mejares.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P8,000, at anim na malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.