PatrolPH

2 itinuturong CPP-NPA leader sa Caraga, naaresto sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2021 03:27 AM

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang itinuturong ranking CPP-NPA leader sa Caraga sa joint operation sa Quezon City, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na si Julieta "Tina" Gomez, 39, at Mary Jane Velasco, 39.

Nakuha umano sa dalawa ang apat na M4 5.56 Rifles, isang 9mm Parabellum pistol, mga bala at barrel ng baril, mga subersibong dokumento, isang NPA flag, 3 granada at dalawang cellphone.

Ayon sa mga awtoridad, wanted ang dalawa sa kasong murder at dalawang counts ng attempted murder.

Si Gomez ay secretary umano ng CPP-NPA Regional Urban Committee habang si Velasco ay CPP-NPA Regional Liaison umano.

—Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.