'Pantawid ng Pag-ibig': Taal evacuees hinatiran ng relief packs, ligtas bags

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2020 09:01 PM

MAYNILA - Mag-a-anim na buwan nang nasa Poblacion Five Motorpool Talisay Batangas Evacuation Center ang mahigit 300 residente na dating naninirahan sa permanent danger zone ng Taal island. 

Hindi na kasi sila pinabalik sa lugar matapos mag-alboroto ang Bulkang Taal noong Enero. 

Habang naghihintay ng abiso ng lokal na pamahalaan kung kailan magkakaroon ng panibagong malilipatan, may mga donor na nagbigay ng tent para sa pansamantala nilang tirahan. 

"Through Facebook po naghahanap po kami sa cellphone ng mga donors pinapasa pasa po kami kung sino po ang hihingan ng tulong. Sila lang po ang tumulong na maipatayo ang 34 tents," Marilou Mamerto, Volunteer Organiser ng Talisay Evacuation Center. 

Pinagamit din ng kanilang Vice Mayor ang sariling lupa para maipatayo ang mga tent. 

"'Yung cash donation namin na natitira plano po na ibili ng isang property na mabigyan man lang sila ng 50 square meters at doon na sila maglagay ng kanilang tent habang wala pang pabahay ang NHA," ani Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan Sr.

Para ring matiyak na ligtas sa coronavirus disease 2019 ang mga evacuee, mga awtorisadong tao lang ang pinapayagang pumasok sa kanilang evacuation center. 

“Nung mag-start ang COVID-19 sinabi ko na i-lock ang gate at huwag magpapasok ng sino-sino. Mayroon kaming facilities area na hinanda kung sakaling may magpa-positive,” ani Natanauan 

Single mom ang lumikas na si Maribeth Manicar kasama ang kaniyang anak. Ang apat na iba niyang anak, nasa Leyte. 

Isang maliit na tindahan sa evacuation center ang pinagtutulungan nila ng kaniyang kapatid na kapwa-evacuee para mayroon silang panggastos at matustusan ang kaniyang mga anak sa probinsiya. 

"Mayroon naman ho paunti-unti... Para makakakita ng P100 isang araw... 'Yung kapatid ko naglalako rin ng ulam at pangmeryenda," ani Manicar. 

Kasama sina Manicar sa 62 pamilya sa Talisay evacuation site at 47 pamilya na dinalhan ng "Pantawid ng Pag-ibig" ng ABS-CBN ng relief packs at ligtas bag. 

Nagpunta rin sa Cuenca, Batangas ang "Pantawid ng Pag-ibig" para umalalay sa 550 pang pamilya.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.