Nasa 1,500 palengke vendors sa Nueva Ecija isinailalim sa COVID-19 rapid test

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2020 04:29 PM


CABANATUAN CITY. Nueva Ecija — Higit 1,500 tindero at tindera sa public marker dito ang isinailalim sa rapid testing noong Huwebes upang matukoy kung sila ay may COVID-19. 

Dahil sa malawakang testing, pansamantala munang isinara ang Cabanatuan City public market.

Ang siyudad mismo ang nagkasa ng testing para umano makontra ang pagkalat ng sakit. 

Biglaan kasing lumobo ang kaso ng coronavirus sa lungsod noong nakaraang linggo kung saan kasama sa mga nagpositibo ang isang tindera sa Sangitan public market.

Hiniling din ng local government unit na maibalik muna sa mas mahigpit na general community quarantine ang lungsod pero wala pa ring sagot dito ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases. 

Kasalukuyang nasa ilalim ng modified GCQ ang Cabanatuan City.

"Tinutuloy lang po namin mga protocol tulad ng enforcement po ng public health standard, enforcement ng curfew, liquor ban tapos po pina-up namin 'yung operation ng barangay captain kasi sila po yung unang nakaka-monitor sa mga tao po," ani Francis Balaria, information officer ng Cabanatuan City. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.