Iba't ibang grupo nagkakasa na ng protesta sa ika-5 SONA ni Duterte

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2020 05:24 PM

MAYNILA — Sinisimulan na ng iba't ibang grupo ang pagpaplano para sa ikakasa nilang malawakang kilos protesta kasabay ng nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27.

Tatawagin itong "SONAgkaisa" na lalahukan ng iba't ibang political groups gaya ng BAYAN, Akbayan, Partido Manggagawa, Kilusang Mayo Uno, Laban ng Masa, at iba pa.

Gagawin ang mga rally sa hindi pa tukoy na lokasyon sa Quezon City at maging online lalo na't may pandemyang COVID-19. 

Ayon sa mga grupo, handa sila sa pag-aresto lalo't epektibo na pagdating ng SONA ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020.

"We will have lawyers at lawyers groups in full force to make sure to guide people, hindi ako nagwo-worry sa kaso, kaya lang ang best scenario ay walang ma-arrest, sa rally itself alam natin rules, health protocols, problema pag nahuli ka wala masaydong health protocols yung pulis so we want to avoid that,” ani Tony La Viña, isang abogado. 

Kasama sa mga ipoprotesta nila ang isyu sa mga jeepney at maging ang pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN. 

Ito na ang ika-5 SONA ni Duterte.

—Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.