DOH: 345 COVID-19 patients sa Western Visayas, gumaling na

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2020 11:56 PM

MAYNILA - Nasa 716 kaso ng COVID-19 na ang naitala ng Western Visayas matapos magkumpirma ng 17 na panibagong infections ang Department of Health (DOH) sa rehiyon nitong Biyernes.

Ayon sa DOH-Western Visayas, 345 o halos kalahati ng total cases sa rehiyon ay gumaling na, matapos magtala ito ng 63 na panibagong recoveries.

Nasa 12 pa rin ang bilang ng mga namatay sa rehiyon dulot ng coronavirus.

Ayon sa DOH, nagpapagaling pa o active cases ang natitirang 359 na COVID-19 patients sa rehiyon.--May ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.