PatrolPH

AFP personnel na nagka-COVID-19 umabot na sa higit 220

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2020 04:32 PM

MAYNILA — Umakyat na sa 221 ang bilang ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpopositibo sa COVID-19.

Gayunman, sinabi ni AFP Spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo na sa bilang na ito, 126 na ang cleared o pinayagan nang makabalik sa trabaho matapos na makarekober at mag-quarantine.

Isang civilian employee naman ang nasawi dahil sa COVID-19.

Sa kabila ng pagiging frontliners sa gitna ng pandemya, tinitiyak nila na sumusunod ang mga sundalo sa health protocols na inilalatag ng gobyerno.

Kapwa naman nagnegatibo sa COVID-19 sina Arevalo at AFP chief of staff Gen. Felimon Santos Jr.

Sumalang sila sa testing makaraang makasama ang isang staff ng Department of National Defense na nagpositibo sa sakit.

—Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.