ILOILO CITY — Tukoy na ng pulisya dito ang pagkakakilanlan ng 12 taong nag-viral matapos kumalat sa social media ang mga larawan nilang nasa pool party noong Hunyo habang kasagsagan ng community quarantine laban sa COVID-19.
"Ang violation is ang city ordinance natin on physical distancing," ani Police Maj. Francisco Paguia, commander ng Iloilo City police station 1.
Natukoy ang mga ito sa tulong ng netizens.
Binatikos ang 12 dahil miyembro umano ang mga ito ng maiimpluwensiyang pamilya sa lungsod.
Hunyo 6 umano nangyari ang pool party sa isang hotel.
Nauna na daw sinabi ng pamunuan ng hotel na selebrasyon ang ginanap at mga piling tao lang ang nandoon.
"Actually nag-party sila regarding sa opening kasi close friends naman daw sila at yung iba doon ay according sa management, suppliers nila iyon," ani Paguia.
Posibleng pagmultahin nang P500 ang mga ito kapag napatunayang may paglabag sila.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, Iloilo, Iloilo City, quarantine, physical distancing