Mayor Isko nag-ikot sa Maynila dahil sa banta ng bagyong Falcon

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 01:13 AM

MAYNILA—Nag-ikot Martes ng gabi sa ilang parte ng Maynila si Mayor Isko Moreno dahil sa banta ng bagyong Falcon.

Inanunsiyo rin ng alkalde sa Facebook ang pagkansela ng klase sa preschool at elementarya sa mga pribado at pampublikong paaralan ng lungsod.

"Medyo malakas ang hangin sa labas at may pag-ulan... pero so far, so good," aniya.

Ayon kay Moreno, magbibigay siya ulit ng update ukol sa masamang panahon.

 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.