5 timbog sa buy-bust sa San Pablo City

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 06:06 PM

Timbog sa ikinasang mga buy-bust operations ng pulisya ang 5 tao sa San Pablo City, Laguna, kabilang na ang 2 anak umano ng isang notoryus na drug group sa naturang lugar. 

Ikinasa ang buy-bust pasado alas-6 ng gabi Martes, kung saan nahuli ang 3 tao kasama ang magkapatid na sina Melrose Uypico at Sheena Joana Uypico, anak ng umano'y lider ng "Uypico Drug Group" na nag-o-operate sa Laguna at Quezon province.

Minana umano ng magkapatid ang ilegal na negosyo ng ama at nag-expand pa ng operasyon hanggang sa Batangas.

Kasama rin nilang arestado ang live-in partner ni Sheena Joana na si si Elmer Señorises.

Nakumpiska sa mga suspek ang 6 sachet ng shabu na nasa P40,000 ang halaga.

Naaresto ang 3 matapos ang naunang buy-bust sa lungsod kung saan ikinanta sila ng 2 natimbog na drug suspect.

Sa kulungan ang bagsak ng 5 na kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — Ulat ni Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.