4 mangingisda nailigtas sa tumaob na bangka sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 07:55 AM

Nailigtas ang 4 na mangingisda matapos tumaob ang kanilang bangka dulot ng bagyong Falcon sa Sipalay City, Negros Occidental nitong Lunes.

Kinilala ang mga ito na sina Isagani Moises, Romel Tablatin, Alan Aranez at Arnold Aranez.

Agad sumaklolo ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at City Disaster Risk Reduction Management Office para iligtas ang mga mangingisda matapos humingi ng tulong ang mga residenteng nakakita sa lumubog na bangka.

Walang naitalang nasaktan sa insidente.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, malakas na hangin at alon dala ng bagyo ang naging sanhi ng pagtaob ng bangka.

--Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.