Pinuno umano ng NPA, 4 iba pa arestado sa N. Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 10:58 AM

CATARMAN, Northern Samar - Naaresto ng pinagsamang puwersa ng militar at pulis ang isang lider umano ng New People's Army (NPA) at 4 niyang kasamahan sa checkpoint sa Barangay Bangkerohan nitong nagdaang Biyernes

Nakilala ang mga nahuli na sina Marieth Bartolo, alyas Tayang, opisyal umano ng Metro 1, Sub-Regional Committee Emporium NPA unit na nag-o-operate umano sa ilang bayan ng Northern Samar.

May warrant of arrest nang inilabas ang korte laban kay Bartolo sa mga kasong murder at frustrated murder.

Kasama niyang naaresto sina Ruth Martirez Figueroa, Emboy Loberiano, Danny Basiloy, at Gil Martirez, mga hinihinalang miyembro din ng NPA. 

Nakuha mula sa kanila ang mga baril at 12 envelop na may lamang pera na aabot sa P30,000 kada sobre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.