Ilang bahay sa Negros Occidental, winasak ng ipo-ipo

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 10:45 PM

Retrato mula sa Barangay Busay, Bago City

NEGROS OCCIDENTAL - Nasira ang ilang bahay sa iba't ibang bayan sa lalawigan ng Negros Occidental matapos manalasa ang isang ipo-ipo.

Sa tala ng Provincial Disaster Management Program Division, umabot na sa 10 bahay ang nasira ng ipo-ipo mula noong Lunes.

Nasira rin ang bubong ng public market ng Pulupandan dahil sa ipo-ipo.

Nico Delfin, ABS-CBN News

Sa Cauayan, isang babae ang namatay matapos matangay ng malakas ng agos ng ilog noong Linggo. Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Lolita Rivera.

Umabot na sa 5,000 residente ang apektado ng pagbaha sa lalawigan.

Ayon kay Zeaphard Caelian, head ng Provincial Disaster Management Program Division, nagsilbing hamon sa kanila ang mga baradong waterways kaya't hinihikayat niya ang mga residente na maglinis palagi ng paligid. - ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.