Higit 100 pamilya sa Negros Occidental, inilikas dahil sa baha

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 09:21 AM | Updated as of Jul 17 2018 09:42 AM

Inilikas ang higit sa 100 pamilya sa mga binahang lugar sa lalawigan dala ng hanging habagat. Larawan mula sa Binalbagan Local Disaster Risk Reduction and Management Council

BINALBAGAN, Negros Occidental - Mahigit sa 100 pamilya ang inilikas nitong Lunes dahil sa pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan na dala ng hanging habagat.

Lubos na apektado sa baha ay ang bayan ng Binalbagan kung saan higit sa 100 ang inilikas na pamilya mula sa 3 barangay.

May inilikas ding mga pamilya sa bayan ng Valladolid, Moises Padilla, Pulupandan at sa mga lungsod ng Bago at Silay.

Wala namang storm signal sa probinsiya kaya patuloy ang biyahe sa mga sasakyang pandagat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.